Balitang Sandigan: PANALANGIN SA PAGBOTO – IN FILIPINO (05.11.25)

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐Ž๐“๐Ž
(๐˜š๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ)
Panginoon, gawin mo akong instrumento ng Iyong presensya sa mga
halalan,
Kung saan may pananakot at kaguluhan,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pagmamahal.
Kung saan may panunuhol at bilihan ng boto,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng dangal.
Kung saan may pagkakawatak-watak,
Hayaan mong ihasik ko ang binhi ng pagkaka-isa.
Kung saan may pandaraya sa halalan,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng katapatan.
Kung saan may panlilinlang at maling propaganda,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng katotohanan.
Kung saan may kawalang malasakit,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pangangalaga at pakikibahagi.
At kung saan may kawalang pag-asa sa proseso ng halalan,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pag-asa.
Banal na Panginoon, ipahintulot Mong huwag akong mag-isip ng
pansariling hangarin habang akoโ€™y bumoboto ng karapat-dapat na
kandidatong kakatawan sa tunay na kahulugan ng serbisyo-publiko
ayon sa nararapat na pamantayang moral.
Maria, aming Mahal na Ina, yakapin mo kami ng iyong maka-Inang
pagkalinga. Idinadalangin naming sa pamamagitan mo ang isang
malinis, tapat, tiyak, makahulugan at mapayapang halalan, sapagkat
nasa mapanagutang pagboto ay aming makakamit ang tunay na
demokrasya at sa kamatayan ng binhi ng maka-sarili, kamiโ€™y isinilang
para sa buhay na walang hanggan.
Amen
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami
Nang sa lahat ng bahagi ang Diyos ay dakilain.
Sama-sama tayong manalangin para sa isang makabuluhan at mapayapang #Halalan2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *