Tinig ng Pastol: MENSAHE NG OBISPO VILLAROJO KAUGNAY SA PANANALASA NG BAGYONG PAENG (29 Oktubre, 2022)

FULL TEXT:


Katulad ng ating nararanasan ngayon, dumaan din ang mga apostol sa matinding unos: habang sila ay naglalayag patawid sa dagat sa Galilea ay sinalubong sila ng bagyo. Lumapit sila sa Panginoon at Kanyang pinatigil ang hangin at pinatahimik ang dagat, isang patotoo na sa sinumang lalapit sa Kanya, anumang unos ay kaya niyang pawiin.

Ngayong nahaharap tayo sa bagyong si Paeng, gamitin natin ang panahong ito upang lalo nating mapagtibay ang ating pananampalataya sa Panginoon. Nawa ay matuto din tayong abutin ang ating mga kapwang nangangailangan ng kalinga. Sa mga nagnanais magpadala ng tulong sa mga nasalanta, umantabay lamang sa ating Facebook page para sa mga update. Ang Diocesan Commission on Social Action ay kasalukuyang naghahanda upang magbigay ng tulong sa mga nasantala ng bagyo.

Nangangailangan ng sapat na oras para makabangon muli ngunit sa pagkakapit-bisig natin at sa paglapit natin sa Panginoon, ang bagyo ay makakaya nating lampasan. Ako po si Dennis Cabanada-Villarojo, Obispo ng Malolos, kasama ninyo sa pananalangin sa panahon ng sakunang ito. Patuloy lamang tayong tumutok sa Facebook page ng The Roman Catholic Diocese of Malolos – Ang Sandigan para sa mga anunsyo at pabatid ukol sa mga paghahanda at hakbangin ng Diyosesis ukol sa bagyong ito.

#AngSandiganMalolos

=================

Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!

Website: https://dioceseofmalolos.ph

Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganm…

Instagram: https://www.instagram.com/angsandigan…

Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandigan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *