
O Maria, Virgen delas Flores,
Katangi-tanging bulaklak ng sanlibutan.
Kami ay nasa iyong harapan at lumuluhog
na kami ay ipanalangin at turuan
na mapalago ang aming mumunting buhay.
Mamukadkad nawa ito ng mga bulaklak
ng mabubuting gawa at maging kalugud-lugod
na aming handog sa dambana ng Ama.
Akayin mo kami, aming Ina sa tamang landas
nang ‘di kami maligaw sa mundong ito.
Ilapit mo sa iyong Anak ang aming pagsamo…
(Banggitin ang kahilingan)
Tanggapin mo ang pagmamahal
Na handog namin sa iyo, O aming Reyna.
Ingatan mo kaming lagi habang tinatahak ang buhay na ito
At nawa sa bawat araw ng aming buhay,
Kabutihan ang maibahagi namin sa aming kapwa.
Amen.
Nuestra Señora de las Flores de Bocaue,
Ipanalangin mo kami!
