BALITANG SANDIGAN: Luksang Parangal, Inialay sa 5 Bulacan Rescuers; Bishop Dennis, Pinaalala ang Pangangalaga sa Kalikasan (9.30.22)

BALITANG SANDIGAN:

Luksang Parangal, Inialay sa 5 Bulacan Rescuers;

Bishop Dennis, Pinaalala ang Pangangalaga sa Kalikasan

Setyembre 30 – Bilang parte ng Luksang Parangal para sa limang yumaong Bulacan rescuers, inialay ang isang Banal na Misa sa pangunguna ng Obispo ng Malolos, Dennis C. Villarojo, D.D., sa Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos.

Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan ng Obispo ang mga tao ukol sa pangangalaga ng kalikasan upang maiwasan ang ganitong mga insidente.

“Siguro po’y hindi lamang natin sila nadadakila by recalling their great deeds; mas mahalaga din po sana at mabibigyan natin ng kahulugan ang kanilang pag-aalay ng buhay kung ating aalamin bakit nangyayari ang mga bagay na ito: bakit bumabaha, bakit ang kabundukan ay nalalagas–and we know the answers,” ani ng Obispo.

Kasama rin ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ng Igg. Daniel Fernando, Gobernador ng Bulacan, sa Luksang Parangal sa limang rescuers.

Maaalalang noong Setyembre 27, sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding sa Bayan ng San Miguel, tinangay ng alon sa gitna ng pagsasagip sina Troy Justine Agustin, George Agustin, Marby Bartolome, Narciso Calayag, Jr., at Jerson Resurreccion.

#AngSandiganMalolos

=================

Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!

Website: https://dioceseofmalolos.ph

Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos

Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos

Youtube: https://www.youtube.com/c/sandiganmalolos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *