
ππππππππππ ππππ ππ ππππππ πππππ ππππ
Panginoong Hesukristo,
Mabuting Pastol at Dakilang Pari,
pinupuri at pinasasalamatan ka namin
sa pagtawag mo kay Papa Leon XIV,
upang maglingkod bilang pastol ng buong simbahan.
Pamunuan nawa niya kami bilang mabuting pastol na kumakalinga sa kanyang kawan at lumilingap sa mga naliligaw na tupa.
Siya nawa’y maging mapagmahal at nakikinig na ama, tapat na guro at katiwala ng iyong banal na misteryo.
Pagkalooban mo siya ng kalusugan, lakas, at karunungan.
Patibayin mo ang ugnayan ng pagkakaisa upang mapaglingkuran ka namin bilang iisang katawan.
Dalisayin mo kami at itaguyod sa pagmamalasakit sapagkat ang iyong pag-ibig sa amin ay hindi nagmamaliw.
Itulot mong kami ay masigasig na tumugon sa iyong misyon.
Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen.
#AngSandiganMalolos#HabemusPapam
=================

