





Ngayong araw, ginaganap ang Diocesan Pastoral Assembly 2022 sa ating Diyosesis na may temang “Sama-sama tungo kay Kristo.”
Dinaluhan ito ng mga Parish Priest at Vice-Chairman ng Parish Pastoral Council ng bawat distrito ng Malolos kaugnay na rin ng Synod on Synodality.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Lauds o Morning Prayer na pinamunuan ni Rdo. P. Allan Antonio at sinundan ng pagkanta ng theme song ng Pastoral Assembly na “Sama-Sama.”
Nagbigay din ng Paunang Pananalita si Rdo. P. Narciso Sampana, Vicar General ng ating Diyosesis na sinasabing, “Tawagin natin ang Espiritu Santo at kakayanin natin ang bawat problema na ating kinakaharap.”
Sinundan naman ito ng pagbibigay ng report ni Bb. Rita Cucio para sa 2nd Synod ng Malolos.
Abangan ang iba pang detalye ng ating Pastoral Assembly 2022 dito sa Ang Sandigan.

