PANALANGIN PARA SA PAGTITIPONG PASTORAL
Ama naming makapangyarihan,
niloob mong mabatid namin
ang dakila mong panukala
sa pamamagitan ni Hesukristong Anak mo.
Sa darating na ika-anim ng Oktubre
gaganapin ang Pagtitipong Pastoral sa aming Diyosesis.
Gabayan mo ang lahat
ng mga inanyayahang maging bahagi nito
sa pangunguna ng aming Obispo.
Sa biyaya ng Espiritu Santo,
mabuksan nawa ang kanilang puso’t isipan
sa pakikinig sa iyong banal na kalooban
para sa iyong sambayanan.
Maging angkop nawa at napapanahon ang aming tugon
sa panawagan ng nagbabagong panahon.
Bigyan mo kami ng lakas at sigasig na maisakatuparan
ang anumang hangarin at balaking mapagpapasyahan
para sa lalong ikadarakila ng iyong banal na pangalan
at para sa ikababanal ng iyong sambayanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.
O Maria, ang Inmaculada Concepcion,
aming Patrona at aming Ina, Ipanalangin mo kami.
Papa San Juan XXIII, Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.
=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos

